Malakas ang tiyansa natin na magkaroon na nga tayo ng unang Filipina as Miss World sa kasaysayan ng beauty
pageant. Ang pambato natin na si Queneerich Rehman ay isa sa mga “early
favourites” sa Miss World 2012.
Pumapagaspas ang ating pambato sa Top Model category at Talent Portion! Nakuha rin ni Queneerich ang atensyon ng mundo
dahil sa pagpapakita ng kakaibang talent
na “pagbeat-box”. Featured pa ito sa Huffington Post tweets, TIME Magazine website, at pati ang
sikat na 9gag.com ay di pinalampas ang natatanging talento at ganda ng ating
pambato.
Kaabang-abang rin ang grand coronation night ng Miss World
2012 mamaya dahil ginastusan at pinaghandaan ito ng todo ng Miss World
Organization at ang host country ngayong
taon na China. Makikita pa lang sa launching nito noong July ang mala-Olympic
opening na press presentation ng mga
kandidata na tila’y bumababa sila sa
isang dambuhalang eroplano na nasa mismong stage. Makikita sa video na ito:
Ang Miss World ang
pinakamalaki at pinakaabangan na Beauty Pageant sa mundo. Big deal ito para sa
mga Beauty Pageant enthusiasts sa mga bansang nasa Europe, Middle East, Africa, Southern Asia tulad ng India, at ang bansang
China. Ang Miss World rin ang may
pinakamaraming may kandidatang kalahok. Ito ang tanging beauty pageant na
binansagan na “Beauty with A Purpose” dahil responsibilidad ng magiging Miss
World ang pagtulong sa mga foundation na sinusuportahan ng Miss World
Organization, bilang siya ay magiging isa nang “Ambassadress”.
Saksihan ang
pagpapamalas ng natatanging ganda, talento, at puso ng isang Pinay sa
Mundo ngayong gabi sa Miss World! Mapapanood
ang Miss World 2012 LIVE from Ordos, China ngayong gabi (10:30 PM) sa TV5,
pagkatapos ng “Untold Stories”.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento