Lunes, Agosto 20, 2012

Claudine Barretto in Untold Stories this Saturday on TV5


Sa unang pagkakataon, mapapanood na natin ang natatanging pagganap ni Miss Claudine Barretto sa Untold Stories. Ito ay ang isang istorya ng isang matiisin na maybahay na inabuso ng kanyang asawa.

May hangganan ba ang kanyang pagdurusa? Alamin sa Untold Stories ngayong Sabado, 9:30 ng gabi sa TV5.


Chris Leonardo, kicked-out of Artista Academy!


Si Chris Leonardo, ang Dancing Cutie ng laguna ang unang na "kick-out" sa Artista Academy. Kabilang sa Bottom 3 (for overall grades including text votes, judges scores, teachers grades) ay sina Sophie Rowe, Benjo Leoncio, at si Chris Leonardo. Ang Top 3 naman ay sina Sophie Albert, Vin Abrenica, at si Chanel Morales.

score board:



Miss China is Miss World 2012, Philippines' Queenerich Rehman graces Top 15



Si Miss China (Yu Wenxia) ang hinirang na bagong Miss World ngayong taon sa kanyang home country sa Ordos, China. Ito rin ang ikalawang Miss World title na nakamit ng naturang bansa (2007, na host country rin ang China). Hindi rin nagpatalo ang ating pambato na si Queneerich Rehman sapagkat pasok naman siya sa Top 15.  


Gaganapin ang Miss World 2013 sa Bali, Indonesia

Sabado, Agosto 18, 2012

Quenierich Rehman as the new Miss World!?



Malakas ang tiyansa natin na magkaroon na nga tayo ng unang  Filipina as Miss World sa kasaysayan ng beauty pageant. Ang pambato natin na si Queneerich Rehman ay isa sa mga “early favourites” sa Miss World 2012.  Pumapagaspas ang ating pambato sa Top Model category at Talent Portion!  Nakuha rin ni Queneerich ang atensyon ng mundo dahil sa pagpapakita ng kakaibang  talent na “pagbeat-box”. Featured pa ito sa Huffington Post  tweets, TIME Magazine website, at pati ang sikat na 9gag.com ay di pinalampas ang natatanging talento at ganda ng ating pambato.

Kaabang-abang rin ang grand coronation night ng Miss World 2012 mamaya dahil ginastusan at pinaghandaan ito ng todo ng Miss World Organization at ang  host country ngayong taon na China. Makikita pa lang sa launching nito noong July ang mala-Olympic opening  na press presentation ng mga kandidata na tila’y bumababa  sila sa isang dambuhalang eroplano na nasa mismong stage.  Makikita sa video na ito:


 Ang Miss World ang pinakamalaki at pinakaabangan na Beauty Pageant sa mundo. Big deal ito para sa mga Beauty Pageant enthusiasts sa mga bansang nasa Europe, Middle East, Africa,  Southern Asia tulad ng India, at ang bansang China.  Ang Miss World rin ang may pinakamaraming may kandidatang kalahok. Ito ang tanging beauty pageant na binansagan na “Beauty with A Purpose” dahil responsibilidad ng magiging Miss World ang pagtulong sa mga foundation na sinusuportahan ng Miss World Organization, bilang siya ay magiging isa nang “Ambassadress”.

Saksihan ang  pagpapamalas ng natatanging ganda, talento, at puso ng isang Pinay sa Mundo ngayong gabi sa Miss World!  Mapapanood ang Miss World 2012 LIVE from Ordos, China ngayong gabi (10:30 PM) sa TV5, pagkatapos ng “Untold Stories”. 

Biyernes, Agosto 17, 2012

Meet the Artista Academy Top 16!



More Photos!

Studio 5 presents Cine Filipino


Studio5 presents "CineFilipino" which seeks to discover & support eight of the best Filipino filmmakers. P1.5 Million production grant will be given to EACH one chosen.

Visit www.cinefilipino.com for complete mechanics

TV5 got The Million Peso Money Drop!



One of the biggest and most watched game show in the world will soon be on TV5. Franchised from Endemol that aired from different countries worldwide. Now Philippines will have its own version and will soon hit the Philippine Television!